Patuloy na humiling ng panalangin at suporta ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan para sa pagpapagawa ng Katedral ng San Jose Manggagawa.
Ayon kay Bishop Broderick Pabillo tuloy-tuloy ang paggawa ng simbahan kung saan noong 2023 umabot na sa 30-milyong piso ang naggastos mula sa tulong ng mamamayan.
Umaasa si Bishop Pabillo na patuloy suportahan ang proyektong nakabinbin ng mahabang panahon dahil sa pandemya, kalamidad at kakulungan ng pondo.
“Based on the continues help na ibinigay ninyo kami po ay umaasa sa tulong ni San Jose na ma-inspire kayo at maka-inspire rin kayo ng iba pang mga tao na makatulong pa po sa amin.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo.
Ibinahagi ng obispo na nasa 35 porsyento na ng gusali ang natapos mula nang sinimulan ang paggawa.
Isa sa mga inisyatibo ng bikaryato ang inilunsad na Trip to Palawan for 2 raffle draw kung saan ang malilikom na pondo ay gagamitin sa pagpapagawa ng cathedral.
Inilunsad ng bikaryato ang programa noong July 15, 2023 na nagpapatuloy sa kasalukuyan kung saan limang katao ang maaaring mananalo ng Trip to Palawan for 2.
2002 nang maitatag ang Bikaryato ng Taytay nang hatiin sa dalawa ang Apostolic Vicariate of Palawan; ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa na nangasiwa sa Central at Southern Palawan habang Northern Palawan naman ang sakop ng Apostolic Vicariate of Taytay.
Taong 2009 nang makakuha ng lupa ang bikaryato para pagtayuan ng cathedral sa pangunguna ni Bishop Emeritus Edgardo Juanich subalit dahil sa limitadong resources ng bikaryato hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling under construction ang cathedral.
Sa mga nais tumulong sa proyekto makipag-ugnayan sa Chancery office ng bikaryato at sa tanggapan ni Bishop Pabillo sa numerong 0921-754-5457 at 0915-936-9752 para sa karagdagang detalye.