Huwag mawalan ng pagasa at paigtingin ang pananalig sa Diyos.
Ito ang paalala ni Taytay Palawang Bishop Broderick Pabillo sa mga mahihirap at manggagawa na patuloy na humaharap sa mga suliraning pang-ekonomiya at mataas na inflation rate.
Nawa ayon sa Obispo na sa kabila ng mga pagsubok paigtingin ng mga mananampalataya ang pananalig sa Diyos upang patuloy na makahanap ng paraan na kumita at magkaroon ng sapat na pagkain para sa kanilang pamilya.
Paalala pa ng Obispo na kainlama’y hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang sangnilikha kung kaya’t kasabay ng pagsisikap ay ang panghihimok na patibayin ang kanilang pananalig sa Panginoon.
“Kaya’t patuloy po tayong magsikap at patuloy tayong maghanap ng mga pamamaraan, hindi po tayo mawalan ng pagasa, may Diyos na nangangalaga sa atin basta’t tayo nagsisikap at iniiwasan ang anumang nakakasama sa atin.” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.
Ang mensahe ng obispo ay matapos maitala ng Philippine Statistics Authority ang pinakabagong datos ng inflation rate noong Hunyo ay umabot sa 5.4% kumpara sa 6.1% noong Mayo.